Umaapela si Sen. Bong Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health sa Departments of Health (DOH) at Social Welfare and Development (DSWD) na paigtingin ang efforts sa pagbibigay ng psychosocial assistance sa mga taong nakikipaglaban sa mental health issues gaya ng anxiety, depression at iba pang mas seryosong psychological issues.
Sinabi ni Sen. Go, ngayong panahon ng pandemic, dapat matiyak ang pangangalaga sa mental health maliban sa physical health ng isang tao.
“In this time of pandemic, we should also ensure that mental health is valued, promoted and protected. Aside from physical health, ‘yung mental health, napaka-importante rin po,” ani Sen. Go.
Ayon kay Sen. Go, ang pandemic na kinakaharap ng bansa ay lumikha ng kondisyong nakakaapekto sa mental health ng mga may edad na at mga bata kabilang ang mga public measures na social distancing na sanhi ng kalungkutan at takot na nagpapalala sa pag-alala at stress sa tao.
Inihayag ni Go na maraming nade-depress dahil sa sitwasyon lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na malayo sa kanilanbg mga mahal sa buhay.
“Marami pong nade-depress dahil sa sitwasyon ngayon. In fact, nakakalungkot ang mga OFWs natin, napakatagal na napalayo sa kanilang pamilya. Alam ninyo, hindi nababayaran ‘yung lungkot. Napakahirap mapalayo sa pamilya.”










