-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naaresto ang isang mekaniko sa isinagwang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. 1, Laoag City.

Nakilala ang suspek na si William Arubio y Santos, 47-anyos, may asawa at residente ng Brgy. 7A ng nasabing lungsod.

Sa naging operasyon ng mga otoridad, nakumpiska sa posisyon ni Arubio ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kasama ng tatlong libong piso na buy bust money at motorsiklo.

Samantala, sa rekord ng PNP, dati ng nahuli ang suspek dahil sa iligal na druga at pamamagitan ng drug buy bust operation sa bayan ng Dingras noon 2015 ngunit nakalabas sa kulungan noong 2019.

Kasama ang suspek sa drug watchlist street level individual.

Kasong paglabas sa RA 9165 a Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa suspek habang nasa kustodiya ng PNP.