-- Advertisements --

Nagpahiwatig si Sharon Cuneta na itutuloy na nito ang planong pagreretiro sa mundo ng show business.

Nitong Sabado kasabay ng petsang 10-10 (October 10), nag-post ang 54-year-old Megastar sa kanyang Instagram account tungkol sa pagiging pagod na raw niya at patungo na sa pagreretiro.

In-update rin ng veteran singer/actress ang kanyang bio sa Instagram at nilagay ang mga katagang “RETIRING SOON.”

https://www.instagram.com/p/CGKaneGnqrl/?utm_source=ig_embed

Sinasabing tatlong taon na ring pinag-iisipan ng asawa ni Sen. “Kiko” Pangilinan ang tungkol sa kanyang pagreretiro sa showbiz.

Noong nakaraang taon, “semi-retirement” pa lamang ang balak ni Cuneta matapos nitong ihatid ang anak na si Frankie Pangilinan sa airport papuntang US kung saan ito mag-aaral.

Ngayong taon naman sana ang kanyang 42nd year sa industriya.