-- Advertisements --
Muling tatapak sa Miss World stage si Miss World 2013 Megan Young bilang host sa coronation night nito sa Mumbai, India sa March 9.
Ito na ang ika-pitong pagkakataon na magho-host ang Filipina beauty queen sa naturang pageant.
Makakasama ni Young ang ilang Indian superstars gaya ni Karan Johar.
Sa kasalukuyan ay hawak ni Karolina Bielawska ng Poland ang korona ng Miss World kung saan mayroong 112 na kandidata ang magpapatagisan ng talino at ganda para makuha ito.
Kabilang na riyan ang pambato ng Pilipinas na si Gwendolyne Fournoil.
Si Fournoil ay kabilang sa top 23 talent semifinalist at nakapasok din sa top 25 ng head-to-head challenge.
Hanggang ngayon ay si Megan Young pa rin ang nag-iisang Filipina na may Miss World crown.