-- Advertisements --
Kinumpirma ng actor na si Mccoy de Leon na hiwalay na sila ng nobyang si Elisse Joson.
Sa social media account ito ay humingi ng paumanhin ang actor sa lahat ng kanilang fans.
Naglabas ng pahayag ang actor matapos ang pagkalata ng screenshot sa pag-uusap nila ng isang babae ganun din ang larawan ng sinasabing third party.
Iginiit naman ng actor na hindi ang pagkakaroon ng third party kaya sila naghiwalay ni Joson.
Dagdag pa ng 27-anyos na actor na wala siyang intensiyon na manloko.
May isang anak ang dalawa na unang nagkakilala sa isang reality show sa telebisyon.