Kinausap ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pharmaceutical drug company na Pfizer Inc dahil sa balak nitong pagbili ng COVID-19 vaccine para sa kaniyang mamamayan.
Ayon sa alkalde mayroong karagdagang P50 million para sa bakuna.
Ang nasabing halaga ay bukod pa sa naunang P250 million na inilaan para sa pagbili ng bakuna.
Layon ng pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng nasabing drug company na makakuha ng development sa bagong naimbentong bakuna.
Magugunitang noong Agosto ay inaprubahan ng lungsod ng Maynila ang paglaan ng P200 million na halaga para sa pagbili ng bakuna na magagamit ng mga residente.
Nauna nang inanunsiyo nitong Lunes ng Pfizer at German partner nitong BioNTech SE na nagkaroon ng 90 percent na epektibo ang kanilang bakuna at umaasa silang mailalabas na ang bakuna sa mga susunod na linggo.