-- Advertisements --

Aminado si Manila City Mayor Isko Moreno na hindi pa handa ang siyudad sa sinasabing pagdating ng “The Big One” o major earthquake sa bansa.

Sa pagpupulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Martes pinuna ng alkalde ang kawalan ng konkretong plano ng mga opisyal ng konseho at mga pinuno ng ospital sa Maynila.

Hindi ikinatuwa ni Moreno ang dinatnang sitwasyon sa hanay ng disaster risk management dahil kulang umano sa ito sa mga gamit, gayundin na tila hindi handa sa oras ng sakuna.

Natukoy din nito na hindi sapat ang power generator at bed capacity ng lungsod para sa kalamidad.

Dahil dito, nagbanta ang alkalde na tatanggalin sa pwesto ang mga opisyal na hindi aamin sa kung ano pa ang kulang sa pangangailangan ng Maynila kapag tumama na ang malalakas na sakuna.

“I will fire you if you don’t admit that we are not ready. You have to be honest with yourself. You can even challenge me at the Civil Service (Commission) if I fire you.”