-- Advertisements --

Aabot daw sa 58.93 million o nasa 54 percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na 109.03 percent ang nais manirahan sa mga urban villages.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nadagdagan daw ito ng 7.20 million na katao kung ikukumpara sa 51.73 million urban residents noong 2015.

Lumalabas din sa report ng PSA na ang level ng urbanization o ang proportion ng kabuuang populasyon na naninirahan sa mga barangays na mayroong klasipikasyon na urban ay mayroong 54.0 percent noong 2020.

Ang limang rehiyon namang nalagpasan ang national level of urbanization noong 2020 ay ang Calabarzon (70.5 percent), Davao (66.8 percent), Central Luzon (66.3 percent), at Soccsksargen (55.5 percent) na nakasama rin sa listahan noong 2015.

Ang mga lungsod naman ng Angeles sa Pampanga at Mandaue sa Cebu ay mayroong highest level ng urbanization na nakapagtala ng tig-100.

Sinundan ito ng Olongapo sa Zambales (98.5 percent) at General Santos City sa Soccsksargen region (98.4 percent).

Ang Davao City naman ang nakapagtala ng pinakamalaking urban population sa mga highly-urbanized cities na nasa labas ng Metro Manila na mayroong 1.63 million urban residents o ang katumbas na level of urbanization ay 91.8 percent.

Sinundan ito ng Cebu City na mayroong 908,195 urban population at 94.2 percent level of urbanization at Zamboanga City na may 869,929 urban population at 89 percent level of urbanization.

Dalawang component cities at walong municipalities naman ang nasa klasipikasyon na entirely urban.

Kabilang dito ang Santa Rosa at Cabuyao cities sa Laguna; Taytay at San Mateo sa Rizal; Marilao sa Bulacan; Jolo sa Sulu; Santo Tomas sa Pampanga; Morong sa Bataan; Talaingod sa Davao del Norte at Kalayaan town sa Laguna.