Emosyonal si Mark Herras sa idinaos na gender-reveal party para sa kanila ng newbie actress at fiancee na si Nicole Donesa.
Ito’y matapos na matupad ang wish nito na baby boy ang ipinagbubuntis ni Nicole.
Nabatid na baby girl naman sana ang nais na maging panganay ng 26-year-old mommy to be.
Noong nakaraang linggo nang ianunsyo ng magkasintahan sa publiko na magkaka-baby na sila, at sana ay huwag husgahan na naitaon pa sa panahon ng pandemya.
Una na nila itong binigyan ng palayaw bilang si baby Corky na hango sa bahagi kani-kanilang pangalan na Co (Nicole), Rk (Mark), at y (baby).
Kung maaalala, nitong Hunyo lang din nang ibalita ng 33-year-old actor ang kanilang engagement.
Bago sa wife to be, naging kasintahan ni Herras ang first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017 na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.
Si Donesa ay nakasama ni Mark sa isang teleserye.
Pebrero 2019 nang umamin si Winwyn na nauwi sa hiwalayan ang tatlong taong pagiging magkasintahan nila ni Herras at wala namang “third party.”