-- Advertisements --

Bakas pa rin ang pagkadismaya ni Marjorie Barretto sa dinanas ng anak at artista ring si Julia matapos mabiktima ng fake news ng dating brodkaster na si Jay Sonza.

Para sa dating misis ng aktor na si Dennis Padilla, napaka-iresponsable ni Sonza dahil walang basehan ang mga binitawang pahayag sa publiko na aniya’y baboy ang pamamaraan.

Kung maaalala kasi, tila casual lang ang ipinost ni Sonza na matapos daw ang ilang buwang love lockdown at ESQ (exact sex quadrant) ay nakabuo si Julia at ang nali-link dito na si Gerald Anderson.

Nabatid na sinamahan ni Marjorie si Julia nang magtungo sa National Bureau of Investigation nitong Biyernes upang gawing pormal ang paghahain ng kaso.

Isang araw lamang ang pagitan nang mauna si Liza Soberano sa pagtungo sa Quezon City Hall of Justice.

Ito ay upang idemanda ang babaeng empleyado ng inireklamo niyang internet service provider dahil naman sa birong pagbabanta ng rape.