ukas sa publiko ang bagong Manila Clock Tower Museum na matatagpuan sa Manila City Hall.
Ito ay bubuksan tuwing weekends simula ngayong araw.
Layon nito na bigyang-daan ang mas maraming bisita na gustong masilayan ang kasaysayan ng Maynila.
Kabilang na dito ang iba pang exhibit na makikita sa nasabing bagong bukas na museo
Sa isang pahayag sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na masayang ibinahagi nito na maaari nang bisitahin ang nasabing museo tuwing Sabado at Linggo maliban pa sa mga araw ng Martes hanggang Biyernes mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Sa naturang museo ay makikita ang makulay na kasaysayan ng Maynila pati na ang iba’t ibang uri ng modern art exhibits.
Ito ay may entrance fee na ₱100 sa mga nais makita ang Manila Clock Tower Museum.
Bukas rin ito sa walk-in habang 50% discount naman para sa mga bata na 12 anyos pababa.
Samantala, wala namang babayaran ang persons with disabilities (PWD), senior citizens, at mga estudyante mula sa mga paaralan sa Maynila na nagsasagawa ng opisyal na field trip.
Kung maaalala, Oktubre 2022 pormal na pinasinayaan ang pagbubukas ng Manila Clock Tower Museum matapos ang rehabilitation na isinagawa sa clock tower.
Ang naturang museo ay nakatanggap na rin ng ibat-ibang pagkilala.
Kabilang na ang prestihiyosong Golden Leaf Presidential Award ng Philippine Leaf Awards Tertulia na tinanggap lamang nito ngayong 2024. (With reports from Bombo Victor Llantino)