Isang maliit na dinosaur na kasinglaki ng Labrador ang kinilalang bagong species, matapos matuklasan.
Tinawag itong ”Enigmacursor mollyborthwickae,” na ang ibig sabihin ay “puzzling runner”, at nabuhay mahigit 150 milyong taon na ang nakararaan sa paligid ng mga higanteng dinosaur gaya ng Stegosaurus.
Una itong inakalang kabilang sa mga Nanosaurus, ngunit natuklasan ng mga siyentipiko sa Natural History Museum (NHM) sa London na may natatanging katangian, partikular sa mga buto ng paa.
Dahil dito, opisyal nang binura ang kategoryang Nanosaurus, na matagal nang ginamit sa mga maliliit na dinosaur mula pa noong 1870.
Ang ”Enigmacursor” ay may taas na 64cm at habang 180 cm, may mahabang buntot at maliliit na braso, na posibleng ginagamit sa pagkain ng mga halaman. Ayon sa mga eksperto, adolesence pa lamang ang dinosaur nang ito’y mamatay.
Ito rin ang kauna-unahang bagong dinosaur na ipapakita sa NHM simula noong 2014.
Ilalagay naman ang naturang diskubre sa Earth Hall, katabi ng sikat na si Steph the Stegosaurus, na mula rin sa Morrison Formation sa Amerika.
Ayon sa mga palaeontologist ng museo, makatutulong ito sa pag-unawa sa ebolusyon ng malalaking dinosaur mula sa mas maliliit na ninuno nila.
Ipinapakita ng ”Enigmacursor” kung paanong unti-unting naging mas malalaki at mas kakaiba ang mga dinosaur sa paglipas ng panahon.