-- Advertisements --

Ayaw patulan ng Malacañang ang pahayag ni Cavite Congressman Kiko Barzaga na umano’y plano ng administrasyong Marcos na ipaaresto sya dahil sa kanyang pahayag hinggil sa isyu ng secession.

May post din si Barzaga sa kanyang social media na sinabi daw ng administrasyon na inosente si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahirap magbigay ng matalinong tugon sa mga insinuation na walang malinaw na basehan. 

Binigyang-diin ni Castro na mas mainam kung ang Kongresista muna ang tanungin kung saan nanggaling o kung ano ang basehan ng kanyang mga pahayag.