-- Advertisements --

Pinuna ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) officer-in-charge Eliseo Rio ang aniya’y overpriced na 5-month contract ng gobyerno para makapaglagay ng libreng WiFi sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Ayon kay Rio, napakalaki ng P466 million na ibinayad ng gobyerno sa apat na kompaniya para maisakatuparan ang free WiFi internet access sa mga pampublikong lugar.

Para sa dating opisyal, hindi sulit ang programa kung para sa maikling panahon lamang.

Nadismaya rin ito sa paliwanag ng DICT na kaya mahal ang naturang internet ay dahil sa kalidad para umano makapanood ng online movies.

Aniya, ang programa ay para sana magamit nila sa pag-aapply ng online government services, maka-usap ang mga kaanak at sa edukasyon para sa mga estudyante.