-- Advertisements --

Mahigit P4.4- Million na halaga ng mga hindi dokumentadong sigarilyo,nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs
Loop: Nasa Viber

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mga hindi dokumentadong sigarilyo na nagkakahalaga ng magihit 4.49 million pesos sa pantalan sa Zamboanga.

Ito’y matapos magsagawa ng seaborne patrol operation ang mga tauhan ng Bureau of Customs sa Barangay Recodo sa Zamboanga City dahilan upang maharang nito ang isang watercraft dala ang ilegal na kalakal.

Ang naturang watercraft ay pinamamahalaan ng tatlong tripulante.

Tatlo dito ay mula sa Barangay Kasayangan at isa mula sa Barangay Southcom parehong taga Zamboanga City.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagmula umano ang watercraft sa Jolo, Sulu at patungong Zamboanga City

Gayunpaman, walang mga dokumentong ipinakita ang mga tripulante bilang patunay na hindi ilegal ang kanilang delivery ng naturang smuggled cigarettes.

Kinumpiska ang mga sigarilyo alinsunod sa Section 1113 kaugnay ng Section 117 ng Republic Act 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act of 2016 at sa Executive Order Number 245 na pinamagatang ” Amended Rukes and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco products.