CAGAYAN DE ORO CITY – Nalaglag sa kamay ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit-10 (RSOU-10) ang isang DI-LISTED na mekaniko, matapos ikinasa ang drug buy bust Operation ng Zone 7, Zone 7, Brgy Bulua, lungsod ng Cagayan de Oro, araw ng Biyernes.
Kinilala ni Police Lieutenant Niel Payos ang suspek na si Russel Jay Bernard Cuesta, 32 taong gulang at resident ng Zone 4, Brgy. Bonbon, Opol, Misamis Oriental.
Aniya, tatlong buwan nilang isinailalim sa survielance ang suspek bago naisagawa ang matagumpay na entrapment opertation.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang 200 grams ng shabu kung saan aabot sa P1.3Million street value.
Inaalam pa ng pulisya ang supplier ng nahuli.
Nakatakdang humarap sa City Prosecutors Office ang suspek para sa inquest proceedings.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o mas kilalang Dangerous Drus Act of 2002.