-- Advertisements --
PHILSTAR PUBLIC STREET PEOPLE TAO PILIPINO DEPRESSION

Umabot na sa 81 million ang bilang ng mga nakapagrehistro sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys).

Batay sa datus ng Philippine Statistics Authority(PSA), simula inumpisahan ng pamahalaan ang pagpaparehistro, nakapagtala na ito ng kabuuang 81,005,872 na mamamayang Pilipino.

Ayon sa naturang tanggapan, prayoridad nitong maabot ang lahat ng Pilipino at magkaroon ang bawat isa ng PhilSys ID.

Bagaman sinabi ng ahensiya na naabot na ang malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas, sinabi nitong ipagpapatuloy pa rin nito ang pag-abot sa mga hindi pa nakakapag-rehistro.

Kabilang na dito ang mga mamamayan na nakatira sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).

Samantala, malaki din umano ang naitulong ng PhilSys on Wheels program ng ahensiya.

Ayon sa ahensiya, sa pamamagitan nito ay naabot ang mga liblib na lugar, kasama na ang mga katutubo at natulungan ang mga ito na magkaroon ng ID.

Ang PhilSys on Wheels ay isang program kung saan ang mga sasakyan ay nilalagyan ng mga registration kits at tinutungo ang mga liblib na lugar sa bansa.