
Iniulat ni Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na nakapag-isyu na ang poll body ng show cause order laban sa 5,200 kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa nasabing bilang, mahigit 1,000 kandidato na ang tumugon kung saan base sa initial assesament, nasa 300 dito ang posibleng madiskwalipika.
Nitong Oktubre 6, naghain na ng 82 petition for disqualification ang Comelec Task Force Anti-Epal. Naisampa na rin ang mga kaso laban sa 10 kandidato para sa umano’y pagbili ng boto.
Sinabi ni Garcia na ang mga desisyon sa mga kaso ng disqualification ay ilalabas bago ang BSKE sa Oktubre 30.
Ipinaliwanag ng Comelec chair na magpapatuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga lumalabag na kandidato sumagot man o hindi ang mga ito sa show cause order.










