
Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na nasasawi sa bansang Cameroon sa bahagi ng Central Africa.
Ito ay matapos na muling makapagtala ng dagdag na 26 na pagkasawi ang nasabing bansa nitong nakalipas na dalawang linggo.
Ayon sa isang health ministry official, ang karagdagang bilang na ito ay magdadala sa kabuuang 426 overall death toll sa naturang bansa.
Sinabi ng World Health Organization na noong Oktubre ng taong 2021 unang idineklara ang Cholera outbreak sa Cameroon, habang naitala ang pagdami ng mga kaso nito noong huling bahagi ng buwan ng Marso ng taong 2023.
Sa isang pahayag ay sinabi ni ministry official Linda Esso na mula noon ay umabot na sa 1,868 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa Cameroon.
Ang sakit na Cholera ay mula sa pagkain o pag inom ng kontaminadong pagkain at tubig na maaaring magsanhi ng acute diarrhea, pagsusuka, panghihina, at maaaring mag-mitsa ng buhay ng isang indibidwal kung hindi agad na maaagapan.










