-- Advertisements --

CEBU CITY – Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang ex-convict na brutal na pumatay sa isang magsasaka sa Dalaguete, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Mario Ansilay, 36, residente ng Barangay Salug ng nasabing bayan.

Habang ang suspek sa pagpatay ay nagngangalang Greg Amancio, 40, na kapitbahay lang pero kaibigan ng biktima.

Dati nang nakulong ang suspek dahil sa kasong murder at nakalaya lang noong nakaraang taon.

Base sa imbestigasyon ng Dalaguete-Philippine National Police, habang nag-uusap ang dalawa kaugnay sa kanilang mga alagang hayop nang bigla na lang minartilyo ni Amancio sa ulo ang biktima.

Nang matumba at mawalan ng malay si Ansilay, makailang beses pa umano itong pinagbabaril ng suspek.

Matapos nito, pinutol pa ni Amancio ang kaliwang tenga at pinaniniwalaang sinubukan din nitong putulin ang leeg ng biktima.

Narekober sa crime scene ang martilyo at isang empty shell ng .45 caliber pistol.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.