-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan ng magpinsan matapos parehong malason dahil sa pag-inom ng pesticide.
Nakilala ang biktima na sina Alex Cabanilla, 24, may asawa , residente sa Barangay Malibago Cateel Davao de Oro; at pinsan nito na si alyas Robert.
Ayon sa asawa ni Alex na si alyas Lovely, ininom ng mag-pinsan ang Coradan na isang uri ng nakakalason na pesticide bilang pagdiriwang umano ng kanilang pag-aayos matapos ang ilang taon nilang pag-aaway.
Parehong naligtas ang dalawa makaraang maisugod agad ang sa Comval Provincial Hospital sa Montevista Davao de Oro.