Nakakaranas ng pressure ang opisyal ng Pharmally na si Krizle Mago kaya ito hindi na ma-contact sa ngayon, ayon sa isa pang opisyal ng naturang kompanya.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Mohit Dargani, treasurer ng Pharmally, na posibleng natatakot ngayon si Mago na sapitin ang nangyari sa kanilang boss na si Lincon Ong kaya ito nagtatago sa ngayon.
Ito ay kasunod na rin ng mga rebelasyon ni Mago sa pagding ng Senado noong nakaraang linggo, kung saan sinabi niyang inutusan siya ni Dargani na baguhin ang expiration dates ng mga face shields na ide-deliver sa pamahalaan.
Mariing itinanggi naman ni Dargani ang akusasyon sa kanya ni Mago, at iginiit na hindi niya ito inutusan magtago na sa ngayon.
Sa katunayan ay hindi nga rin daw niya ito nakakausap pa hanggang sa kasalukuyan.