Naitabla sa 2-2 ng Magnolia Hotshots ang best of seven PBA Commissioners’ Cup finals nila ng San Miguel Beermen 96-85.

Bumida sa panalo ng Hotshots si Tyler Bey na nagtala ng 26 points at 12 rebounds habang mayroong 14 points si Paul Lee at seven points naman ang naitala ni Mark Barroca sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Naging matindi ang ginawang depensa ng Magnolia kung saan nalimitahan lamang sa 16 points ang ginawang puntos ng import ng Beermen na si Bennie Boatwright.

Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero na nakatuon ang atensiyon ng kaniyang manlalaro sa pagpapaigting ng kanilang depensa.

Magsisimula naman ang Game 5 sa araw ng Linggo sa Smart Araneta.