-- Advertisements --

(Update) CEBU – Bangkay na nang marekober ang dalawang lalaki na napaulat na nawawala sa daungan ng Barangay San Isidro, San Francisco, Camotes Island sa Cebu nitong Martes ng hapon.

Ang mga nasawi ay nagngangalang Clark Costanilla Paradero, 21-anyos, at John Mark Gerodias, 18.

Apat naman na kasama ng mga nasawi ang na-rescue na sina Joshua Villas, Ruel Paradero, Calbejay Maralang, at Khimuel Wenceslao.

Nabatid na binalaan na umano ang magbabarkada na huwag magpakampante samaalon ang karagatan dulot ng epekto ng Bagyong Bising ngunit itinuloy pa rin ng mga ito ang pagligo sa lugar.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng mga otoridad ang komunidad ng isla na iwasan nang mangahas sa pagpunta sa dagat ngayong ramdam pa rin ang epekto ng bagyo.