-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Brutal na pinatay ang mag-ina sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang mga nasawi na sina Noralyn Delfin Eribal at ang kanyang menor de edad na anak,mga residente ng Barangay Kalawag 2 Isulan Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat ng Isulan Municipal Police Station na natagpuan ang bangkay ni Noralyn sa kanyang kwarto na wala ng saplot at nagtamo ng maraming saksak sa katawan.
Habang natagpuan ang bangkay ng lalakeng anak ni Noralyn sa kabilang kwarto at nagtamo rin ng matinding saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Marami ang naniniwala na posibling ginahasa si Noralyn bago pinatay kasama ang anak nito.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Isulan MPS sa pamamaslang sa mga biktima.