-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pormal nang nanumpa si Kabacan, Cotabato outgoing municipal Mayor Herlo Guzman, Jr. at si incoming municipal Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa harapan ni Judge Eugene Tancinco.

Ayon kay incoming Vice Mayor Herlo Guzman, Jr. nagpapatuloy ang isinasagawang transition ng mga dokumento sa uupong bagong alkalde ng bayan.

Nagpasalamat din ito sa mainit na suporta, tiwala, at pagmamahal ng Kabakeño sa tandem nilang mag-asawa.

Siniguro naman ng uupong alkalde ng Kabacan sa katauhan ni Evangeline Pascua-Guzman na ang mga programang nakatulong sa kaunlaran ng Kabacan ay kanyang raw ipagpapatuloy.

Dagdag din nito na sa kanyang panunungkulan kanyang ipapadama umano sa bawat Kabakeño ang pagmamahal ng isang ina, pagseserbisyo ng isang lider, at ang mainit na pagtanggap ng isang kapatid.

Nanumpa rin si Brgy. Poblacion Kagawad Edna Macaya bilang uupong Punong Barangay habang si Brgy. Katidtuan PB Bienvenido Ticbe naman ang uupong Liga ng mga Barangay President.

Ang dalawang lider ang humalili kay PB at ABC President Evangeline Pascua-Guzman matapos nitong mapanalo ang pagiging alkalde ng Kabacan nitong nagdaang anuwebe ng Mayo 2022.