Mag-asawa patay at 2 sugatan sa ambush sa Lanao del Norte
CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis pa ngayon ng pulisya ang hindi tukoy na dami ng salarin na responsable pag-ambush patay ng mag-asawa at sumugat ng dalawang kasamahan habang nakasakay sa kotse na bumaybay sa kahabaan ng Purok 6,Barangay Magpatao,Lala,Lanao del Norte.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Cocoy Ariong Acampong at Jehan Macadaag-Acampong habang ang mga sugatan naman ay sina Alim Casar Tawan-Tawan at Razul Anquie Ameril na lahat residente sa probinsya.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Major Joann Galvez Navarro na habang mayroong pinuntahan ang mga biktima sakay ng kotse ay biglang lumutang ang mga salarin na lulan rin ng motorskilo at pinagbabaril ang mga ito.
Nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa hindi pa tukoy na uri ng baril ang mag-asawa dahilan na agad sila nasawi.
Patuloy na ginagamot pa ng mga doktor ang mga sugatan habang anggulo ng rido ang isa sa mga tinutukan ng pulisya patungkol sa pangyayari.