-- Advertisements --

Nahaharap sa kaso ang beteranong singer na si Madonna dahil sa hindi maaga sa konsiyerto nito.

Naghain ng demanda ang mga fans ng American singer sa New York dahil sa hindi maaga sa konsiyerto ito.

Nakasaad sa nasabing ticket na binili na magsisimula ang show ng 8:30 ng gabi subalit nagsimula na ito ng 10:30 ng gabi at natapos ng pasado ala-una na ng umaga.

Ayon pa sa mga nagrereklamo na hindi na sana sila nagbayad ng tickets kung masyadong gabi na magsisimula ang konsiyerto.