-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Unti unting niluluwagan ang restriction sa Macau,China matapos ang naranasang surge o pagtaas ng COVID 19 cases.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro na may ilang establisyimento at negosyo tulad ng Casino ang muling nagbukas sa Macau dahil natapos na ngayong araw ang suspension bunsod ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID 19 habang nanatiling sarado ang mga entertainment venues, at public venues kabilang ang mga sports facility at ilang parks.

Marami ang mga manggagawang nagtratrabaho sa bar at casino ang naapketuhan dahil sa bahagyang paglimita ng capacity ng naturang mga establisyimento.

Nagbaba na rin ng kautusan ang Chinese Government na sasailalim sa daily testing ang mga Pilipinong residente ng Macau na may hawak na Philippine Passport dahil 9.5 % ng naitatalang kaso ay galing sa mga OFW.

Ang naturang surge sa Macau ay hinihinalang unang naitala noong buwan ng Hunyo, ilang COVID-19 carriers na mula sa Mainland ang nagtungo sa Macau ilang araw bago i-lockdown ang isang Casino kung saan tinatayang pitong daang tao ang stranded.

Tinatayang mahigit 20,000 Pilipino ang nasa Macau at posibleng apektado sa mga ipinapatupad na restrictions.

Nakatakda namang ipamahagi ng chinese Government ang 200 dollar cash assistance para sa mga manggagawang apektado sa isinagawang.