Inihayag ng Land Transportation Office na target nilang ikonsidera ang pagpapatuloy na pag iimprenta ng de papel at paglalagay ng Mark sa mga expired na drivers license.
Ito ang magiging Plan B ng ahensya sakaling hindi pahayagan o harangin ng korte ang pag-iimprenta ng drivers license ng nanalong bidder.
Ayon sa ahensya sakaling mangyari ito ay magkakaroon na naman ng delay sa pag iimprenta ng mga drivers license.
Una rito ay naglabas ng temporary restraining order ang Quezon City Regional Trial Court matapos na umapela ang natalong bidder sa plastic card.
Kinuwestiyon nito ang naging pagpili ng Department of Transportation at ng Land Transportation Office sa nanalong bidder.
Nakatakda naman ang pagdinig ng korte sa Agosto 22 ng kasalukuyang taon.