-- Advertisements --

Imbes na citation ticket, mga kulay pulang rosas ang bitbit ng mga enforcers ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ihandog sa mga babaeng sakay sa mga pampasaherong sasakyan bilang pagdiriwang sa araw ng mga puso.

Kabilang sa mga nahandugan ng bulaklak ang nasa 24 mga babaeng senior citizen at person with disability (PWD) na sakay sa mga modern at tradisyunal na jeep, taxi, UV express, at public utility bus sa kahabaan ng Balintawak at Quezon Avenue sa lungsod ng Quezon.

Sa isang espesyal na operasyon, naglatag ang LTFRB enforcers ng checkpoint upang magsagawa ng inspeksyon at kasabay nito ay ang pa-surpresang pamimigay ng mga rosas.

Layon ng pamamahagi nang bulaklak ay mabigyan ng kaunting good vibes ang mga pasahero sa araw ng mga puso upang mabawasan ang kanilang stress sa biyahe.

Ayon pa kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III “Nais ng LTFRB na bigyan ng kahit na kaunting good vibes man lang an mga pasahero ngayong araw ng mga puso dahil alam umano nila ang dinadanas na stress sa araw araw na biyahe.