Harapang sinita ng mga kongresista ng Makabayan bloc si Defense Sec. Delfin Lorenzana dahil sa pagtawag nito kamakailan ng terorista sa mga mambabatas.
Bumwelta si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro matapos idawit ni Lorenzana ang mga kongresista sa New People’s Army (NPA).
Ayon kay Castro, maging ang kanilang hanay ay may ebidensyang magsasabi na ginagamit lang ng NPA ang pangalan ng mga militanteng grupo kaya laging nauuwi sa gulo ang mga kilos protesta.
Hindi ikinatuwa ng kongresista ang tila pandadamay ni Lorenzana sa lahat ng aktibista sa kanilang alegasyon.
Hinamon naman ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate ang Department of National Defense na maglabas ng patunay hinggil sa sinasabing ugnayan ng mga rebelde at militanteng grupo.
Lumutang si Lorenzana sa Kamara para sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa proposed 2020 budget ng DND.