-- Advertisements --

Nakuha ng bansang France ang may pinakamahabang baguette.

May haba ito na na 461 talampakan kung saan nabawi nila ang nasabing record mula sa kamay ng Italy.

Ginawa ito sa Suresnes sa Paris noong French confederation of bakes and pastry chefs.

Nahigitan nito ang 132.62 meters na haba na ginawa sa Como, Italy noong Hunyo 2019.

Matapos na kinilala ng Guinness World Records ay ipinamigay ang nasabing tinapay sa mga tao lalo na sa mga mahihirap sa bansa.