-- Advertisements --

Kapwa looking forward pa rin na makauwi sa Pilipinas si LJ Moreno at basketball star husband na si Jimmy Alapag.

Ito’y bagama’t nasa adjustment period pa matapos magdesisyon na manirahan muna sa Amerika habang hindi pa natatapos ang Coronavirus Disease (COVID) pandemic sa sariling bansa.

Ayon sa 39-year-old actress-TV host, kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon ay wish pa rin niya na maging “home sweet home” sa Pilipinas kung saan daw nabuo ang kanilang pamilya.

Sa panig ni Jimmy, ipinapasa-Diyos nito ang panibagong buhay nila sa Amerika kasama kung saan nakabase ang kanyang ama at gayundin ang ilang kamag-anak ng celebrity wife.

https://www.instagram.com/p/CFTN8kGl27t/

Ang pag-migrate ng pamilya Alapag sa Amerika ay halos dalawang linggo kasunod ng rebelasyon ni LJ na nakunan o dumanas ito ng miscarriage sa pang-apat sana nilang tsikiting ng 42-year-old former Gilas Pilipinas captain.