-- Advertisements --
Isinugod sa pagamutan si Lisa Marie Presley matapos na ma-cardiac arrest.
Rumesponde ang mga Emergency Medical team sa bahay nito sa Calabasas, California matapos na makita ng mga kasamahan nito sa bahay na nawalan ng malay.
Nakabalik naman ang kaniyang pulso bago ito dalhin sa pagamutan.
Ang singer ay anak ng legendary king of rock and roll na si Elvis at Priscilla Presley.
Huling nakita ng dumalo siya sa Golden Globe award sa Beverly Hills nitong Martes para suportahan ang actor na si Austin Butler na gumanap bilang si Elvis Presley sa pelikulang “Elvis”.
Ang 54-anyos na singer at songwriter ay mayroong tatlong anak kabilang ang actress na si Riley Keough.