-- Advertisements --

Sinimulan ng ipinatupad ng mga awtoridad ang liquor ban para sa barangay at SK elections kahapon.
Kung saan ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak hanggang ngayong araw, Oktubre 30.
Kaugnay nito, ipinatupad ng police units ng Fort Bonifacio Substation 1 sa Taguig city ang liquor ban simula pa kahapon kung saan unang nagsagawa ng inspeksiyon ang mga ito sa mga estbalishimento sa 36th avenue sa BGC.
Ilan sa mga establishimento ay binigyan ng warning matapos maispatan sa mga lamesa ang mga alak sa kabila pa ng liquor ban.
Nagpatupad naman ang kapulisan ng maximum tolerance.
Samantala, saklaw naman sa 2 araw na liquor ban ang mga grocery at convenience store na nagbebenta ng alak.










