-- Advertisements --

Kinumpirma ng Los Angeles medical examiner na pumanaw ang aktres na si Daveigh Chase dahil sa acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) ayon sa isang local magazine.

Batay sa report, may kasama ring chronic polysubstance use disorder ang kondisyon ng aktres bago siya binawian ng buhay. Ibig sabihin, nakitaan din siya ng paggamit ng iba’t ibang substances na nakaapekto sa kanyang kalusugan.

Ayon sa mga eksperto mula sa HIV.gov, ang HIV ay isang virus na humahadlang sa kakayahan ng katawan na lumaban sa impeksyon, habang ang polysubstance use disorder naman ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay gumagamit ng higit sa isang uri ng substance na nakaaapekto sa kalusugan at pamumuhay nito.

Nakasaad din sa report na nasawi si Chase sa ospital at ang kanyang manner of death ay isang “natural cause”

Samantala, may hiwalay na pahayag ang kanyang boyfriend na si Roy Hernandez sa TMZ na nagsabing meningitis at blood infection umano ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw, na nauwi sa sepsis.

Nakilala si Chase sa Hollywood sa pagganap bilang boses ni Lilo sa animated film na ”Lilo & Stitch,” at bilang Samara Morgan sa horror film na ”The Ring.” Lumabas din siya sa English dub ng ”Spirited Away.”

Matagal nang hindi aktibo sa industriya ng showbiz si Chase mula noong 2016. Siya ay pumanaw sa edad na 35.