-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot sa 2 million pesos ang halaga ng marijuana plants ang sinira ng mga otoridad sa Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Kalinga Police Provincial Office, na nakatanggap ng impormasypn si PBrig. General Mafelino Aspero Bazar ng PRO CAR ukol sa umanoy marijuana plantation site na nadiskubre.

Isinagawa ang operasyon ng mga kasapi ng Kalinga Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion at PDEA-Kalinga sa Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Nasa 1,000 square meter ang tinatayang tinamnan ng humigit kumulang 10,000 piraso ng fully-grown marijuana plants.

Nagkakahalaga ng dalawang milyong piso ang mga tanim na marijuana

Binunot at sinira ang mga marijuana plants ng mga otoridad habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang may-ari ng lupa at kung sino ang nagtamin ng pinagbabawal na marijuana.