-- Advertisements --
Pope Francis and Pope Emeritus Benedict

Pangungunahan ni Pope Francis ang isasagawang libing sa mga labi ni Pope Benedict Emeritus XVI sa darating na Enero 5, 2023.

Ayon kay Vatican spokesperson Matteo Bruni, isasagawa ang naturang paglilibing dakong alas-9:30 ng umaga sa Saint Peter’s Square.

Ngunit bago ito ay ilalagak muna ang katawan ng Santo Papa sa St. Peter’s Basilica simula sa Lunes ng umaga ng linggong ito na maaaring puntahan ng mga mananampalataya para sa huling pagkakataong pagbati at pamamaalam para sa Pope Emeritus.

Kung maaalala, pumanaw ang dating Santo Papa sa edad na 95 taong gulang halos isang dekada matapos siyang tagurian bilang ang unang pontiff na nagbitiw.