-- Advertisements --

Dinaluhan ng ilang daang mga fans ang libing ng singer na si Lisa Marie Presley ang nag-iisang anak ng tinaguriang “King of Rock and Roll” na si Elvis Presley.

Inihatid ito sa huling hantungan katabi ng puntod ng ama sa Graceland mansion sa Memphis, Tennessee.

Ilan sa mga musikero na dumalo at kumanta ay sina Alanis Morissette, Billy Corgan ng Smashing Pumpkins at Axl Rose ng Guns N’ Roses.

Nandoon din ang dalawang anak ni Presley na sina Riley Keough at 14-anyos na kambal na si Finley at Harper Lockwood.

Nagpasalamat naman ang ina ng singer na si Priscilla sa mga dumalong mga kaibigan at mga fans ng anak.

Magugunitang pumanaw ang 54-anyos na singer matapos ma-cardiac arrest ito sa kanilang bahay nitong Enero 12.

Dinala pa siya sa pagamutan subalit matapos ang ilang oras ay pumanaw na rin.