-- Advertisements --

Pinagsabihan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga local government units (LGUs) na palakasin pa ang pagpapatupad ng mga health protocols, kasunod na rin ng projections ng Department of Health (DOH) na ang mga COVID-19 cases ay maaring umabot sa 10,600 kada araw pagsapit ng buwan ng October

Sa huli namang pagtala ng DOH, umaabot sa 4,661 ang mga nai-record na mga bagong kaso ng COVID-19 cases.

Ito na ang pinaka-highest ngayong linggo.

Ito rin ang ikalawang araw na nagrehistro na mahigit sa 4,500 ang mga nadadagdag na mga kaso.

Kaugnay umapela si Sec. Abalos sa mga LGU na hindi dapat mag-relax at dapat ang mga local executives ang manguna sa laban kontra pandemya.