-- Advertisements --

Magsasagawa ng konsiyerto ang beteranong British pop singer na si Rod Stewart.

Ayon sa promoter nito na Live Nation Philippines na gaganapin ang “One Last Time” concert sa Marso 13, 2024 sa SM Mall of Asia Arena.

Magsisimula ang bentahan ng tickets sa darating na Nobyembre 15.

Nagkakahalaga ang tickets mula P23,000 ang pinakamahal at P3,500 naman ang pinakamura.

Nagsimula ang career ni Stewart noong 1960 at ilan sa mga pinasikat nitong mga kanta ay ang “Have I Told You Lately” , “I Don’t Want To Talk About It”, “Sailing” at maraming iba pa.

Tinanghal siya sa Rock and Roll Hall of Fame noong 1994.