-- Advertisements --

Kabilang na sa grand slam award na EGOT ang legendary singer na si Elton John.

Ito ay matapos na makuha niya ang Outstanding Variety Special (Live) award sa 75th Primetime Emmy Awards.

Dahil dito ay siya na ang pang-19 na personalidad na nagwaig ng Emmy, Grammy, Oscar at Tony (EGOT).

Dahil sa patuloy itong nagpapagaling sa kaniyang operasyon sa tuhod ay wala ito sa personal para tumanggap ng award kaya ang producer na si Ben Winston ang tumanggap.