-- Advertisements --

Pumanaw na ang celebrity fashion icon na si Iris Apfel sa edad na 102. Hindi na isinapubliko ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ipinanganak si Apfel noong August 29, 1921 at nakilala sa kakaibang fashion style nito gaya ng mixing haute couture, oversized costume jewelry, vintage hippy inspired looks, bohemian style, at matitingkad na mga kulay.

Si Apfel ay isa ring professor, brand ambassador, interior designer, textle guru, at social media star. Naging bahagi rin siya ng White House restoration sa siyam na presidente ng US.