-- Advertisements --

Pinapaaalalahan ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang mga guro at school personnel na huwag magpakampante ngayong sinimulan na ang pilot face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ay sa harap naman ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Europe kasunod nang pagbubukas ng mga paaralan, establisiyemento at mga pasyalan sa naturang bansa.

Dahil sa masyadong nagluwag ang kanilang pamahalaan sa ipinapairal na health protocols ay humantong sila sa lubhang nakakabahala na pagsirit ng COVID-19 pandemic.

Kaya dapat dito sa Pilipinas kailangan pa rin ang pagpapatupad ng mahigpit sa mga health protocols sa mga paaralan.

Ito ay para hindi na rin malusutan ng COVID-19 virus ang mga kabataang estudyante na nakikibahagi sa in-person classes.

Kaugnay nito ay patuloy pa ring nakikipagtulungan si Legarda sa Department of Education upang sa gayon ay maisulong ang ibat ibang programa para mapabuti ang estado ng edukasyon sa bansa.