KALIBO, Aklan-Pormal na nanumpa sa isang punong barangay bilang senador si Loren Legarda sa mismong lugar nito sa lalawigan ng Antique.
Sa inagurasyon na ginanap, itinaas ni Legarda ang kaniyang kamay sa harap ni Punong Barangay Mariano Bagac ng Magaba, Pandan, Antique gayundin sa libo-libong mga Antiqueños na sumuporta sa kaniyang pagtakbo sa nakaraang May 9 national and local elections.
Sa kaniyang talumpati, iginiit nito ang mga batas na kaniyang nagawa sa loob ng dekadang panunungkulan mula nang naging congresswoman ng probinsya hanggang sa naging senadora sa loob ng tatlong termino.
Sa pagbabalik ng mamalidha sa senado, tiniyak nito na maraming batas pa ang kaniyang maipasa hindi lamang para sa minamahal nitong lalawigan kundi maging sa buong bansa.
Naghahanda na umano siya sa mga panibagong hamon kung paano matulungan ang lubos na mga nangangailang Pilipino na uhaw sa serbisyo ng gobyerno.










