-- Advertisements --

VIGAN CITY – Iniimbestigahan pa ng mga otoridad sa lalawigan ng Ilocos Sur, partikular na sa bayan ng Magsingal ang pamamaril-patay sa isang lalaking pauwi na sana sa kanilang bahay mula sa bakasyon nito sa lugar ng kaniyang asawa.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang biktima na si Randy Canaoay, 38, residente ng Barangay Poblacion Sur, Sta. Maria na pinagbabaril-patay ng mga riding in tandem suspects sa Barangay Barbarit, Magsingal.

Pasakay na sana sa isang bus pauwi sa bayan ng Sta. Maria ang biktima nang pagbabarilin ito ng mga suspek kung saan nagtamo ito ng tama ng baril sa tiyan at tagiliran.

Naitakbo sa Ilocos Sur District Hospital-Magsingal ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

-- Advertisement --

Napag-alaman na nanggaling sa bahay ng asawa nito ang biktima at doon nag-celebrate ng New Year kasama ang asawa at mga anak nito.