-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 15 14 00 56

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang suspek sa panggahasa ng isang menor de edad matapos na makipagbarilan sa mga otoridad.

Batay sa report, kinilala ang suspek na si Daryll Gallo Estillore.

Nagsumbong umano ang biktima sa kanyang kuya dahilan para agad na dumulog sa police station.

Isinagawa agad ng mga otoridad ang hot pursuit operation sa Zone 1, Town Site, Barangay Buayan, sa naturang lungsod.

Habang tinutunton ng mga otoridad ang bahay ng suspek agad na nagpaputok ito sa mga pulis kaya’t nagkaputukan na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober sa crime scene ang 22 calibre ng armas at mga bala.

Nadala pa sa hospital ang suspek subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doctor.

Napag-alamang tatlong beses na hinalay ang naturang 16-anyos na biktima kaya’t hindi na ito natakot na magsumbong.