NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang buy bust operasyon ng mga otoridad sa Lucena City.
Kinilala ang suspek na si Alyas Mak, 31-anyos, residente ng Purok Ipil Dos, Brgy. 9, sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili mismo sa suspek ang poseur buyer ng isang piraso ng kan heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu gamit ang P1,000 bilang buy-bust money.
Maliban pa dito, nakumpiska pa kay alyas Mak, ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang ilegal na shabu at sa kabuuan, mayroong bigat na 18 grams ang mga nasabing droga at nagkakahalagang humigit-kumulang P367,200.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.