-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos ang pagbabanta nitong pagpapasabog sa Congress building sa Washington D.C.

Kinilala ang suspek na si Floyd Ray Roseberry, 49-anyos na sumuko ilang oras matapos ang pagbabanta.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa ginawa nitong pagbanta.

Base sa imbestigasyon, ipinarada ng suspek ang kaniyang sasakyan sa harap ng gusali at sinabi pa nito sa nakabantay na pulis na mayroong lamang bomba ang kaniyang sasakyan.

Nauna ng isinara ang buong kalsada sa lugar matapos na makatanggap ang mga US Capitol Police ng bomb threat sa Congress Library.